Saturday, September 09, 2006
Ending:Alexa gising! Bigla namang tumalon-talon si kuya john sa kama ko...
Oo na! Babangon na ako! Pag ka gising ko, takbo ako agad sa washroom at naligo na ako.. haaayyy.. 1st day of school.. 4th year na ako! yahhooo! hehehe... Pag katapos kong gawin yung sermonyas ko sa umaga... takbo na ako papuntang school at baka malate pa ako...
Sa kakamadali ko, may nakabangga ako..
Ay Sorry!Ok lang lex, sige na, baka malate ka..Okay, bye erik! takbo ako uli ng takbo, hanggang sa may nabangga nanaman ako! Ano ba yan, 1st day na 1st day may nakakabangga na ako...
Ooops.. sorry talaga ah! nag mamadali lang kasi ako...Okay lang....Sige ah, maiwan na kita dyan... Pumasok naman ako sa classroom ko at thank God, Hindi ko na klasmeyt si Kristen! Dumating naman yung teacher namin sa math, at nag pakilala lang sya, hanggang sa may kumatok... nung tiningnan ko kung sino yun, uy! sya yung nakabangga ko... nakakahiya tuloy, baka isipin neto, sobrang clumsy ko... naku patay! may bakanteng upuan sa tabi ko.. ooppss.. too late, naupo na sya sa tabi ko...
Hi! Ako nga pala si Francis...*********************
3 Years passed, at naging mag close friend kami ni Francis.. Honestly, nakikita ko sa knya si Arc.. Grabe, ang dami nilang similarities... Oo nga pala, kami na ni Francis, 1 year and 2 months na pala kami.. at pareho na kaming college...
Si Erik? Ayun, Sila pa rin ni Micah... 3 years na rin silang dalawa... grabe, proud na proud ako dun sa dalawang yun..
Si Tin? maingay pa rin.. hehe.. Deh, may boyfriend na rin yun, 7 months na nga sila eh, mabait naman yung guy...
Si Kristen? Ayun, hindi ko na nakikita.. Buti naman!
Si Arc? Alam ko, lagi nya akong binabantayan, at alam kong lagi ko syang kasama, at alam kong, alam nya na MAHAL ko din sya... Hindi yun mawawala...
I guess this ends my story. . . =D
<3 10:01 PM;
|