<3 <3 <3 LoViN mY mOnKeY tIlL tHe EnD oF tImE <3 <3 <3
Wednesday, July 12, 2006


Chapter 19:

Ang gulo talaga netong lalakeng toh, kanina lang, sobrang tahimik, ngayon naman inaasar ako! Tawagin ba naman daw ako bhezie! Ahaha!! Nakakatuwa talga sya. Ganito ang gusto ko, yung tipong nag kukulitan kami ni Arc.

Uhmm.. Alexa? ano naman kaya tong sasabihin nya at mukha pa syang seryoso.

Bakit?

Ano.. uhhm.. diba may dinner kayo ngayon ni Erik?

Ahh.. ehh oo eh.. buti na lang at pina alala mo, kc hindi pa ako nag papa alam kay daddy, kc sabi ni erik pinaalam na daw nya ako… Nag text naman ako kay daddy at, sinabi nyang nag paalam nga daw sa knya si erik. So makakapunta nga ako sa dinner.

Anong sabi ng daddy mo?

Oo daw, makakapunta daw ako sa dinner…

Aaahh.. dumating naman yung teacher namin at hindi na kami nag usap ni Arc. Napansin ko na lang..





Uwian nah..

Pag kabell na pag kabell, lumabas naman kaagad yung classmates ko, pati na rin si Arc. Habang nag aayos ako ng gamit ko, may biglang nag salita.

Ready ka na ba alexa? pag lingon ko, sino pa ba? Edi si erik..

Ahh.. Oo.. sige tara na..

Habang nag lalakad kami papunta sa may parking lot eh, nag uusap naman kami ni erik ng kung ano ano.. nakakatuwa talaga sya.. Lagi nya akong pinapatawa. Nung nasa kotse na kami, eh hindi ko talaga alam kung saan kami pupunta, so tinanong ko si erik..

Ahh… erik? San nga pala tayo pupunta? Nung tiningan ko sya, hindi man lang sakin naka tingin at ngumiti lang sya sakin….

Saan nga tayo pupunta? Sinuntok ko naman sya!

Aray naman! Hindi talaga nag sisinungaling si arc.. mahilig ka nga manuntok! Aba ang mga lokong toh, siguro pinag uusapan nila ako! Ahaha! Asa ka pa alexa!

Basta maupo ka lang dyan.. hindi kita kikidnapin noh. Sabay pisil sa ilong ko.. mag bestfriend nga sila! Ang hilig nilang pisilin tong ilong koh! Ano bang meron sa ilong ko? Sa sobrang kulit ni Erik, hindi ko naman namalayan andito na pala kami sa pupuntahan namin.. teka? Alam ko tong place na toh ah! pag tingin ko… waaaaaaaaaat??







Sa bahay nya kami mag didinner?????

Chapter 20:

Erik?? Bat andito tayo?? Hindi talaga ako makagalaw sa inuupuan ko.. anong ginagawa namin dito???

Halika na.. wag kang mag alala, my parents are not here.. Yung mga maid lang ang andyan.. hinanda na nila yung dinner natin… pero bago tayo bumaba, gusto kong ilagay sayo toh.. Pag tingin ko, panyo? Anong meron sa panyo?

Anong gagawin ko dyan?

Basta, trust me ok? Tumango na lang ako at nilagay nya sa mga mata ko. Dahan dahan nya akong inalalayan.. hhmm.. Ang bango naman, amoy flowers, siguro nasa garden kami. Teka? Garden? Bat amoy kandila? Hhmm.. ano kayang meron?

Ayan andito na tayo, tatanggalin ko na tong panyo ah? Tumango lang ulit ako..

Pag tingin ko, WOAH!!! Candelight dinner sa Terrace nila? This is so romantic! Kaya pala amoy flowers, eh nakakalat lang ung mga bulaklak sa sahig, at amoy kandila dahil candles lang ung ilaw namin.

Wow! Ang ganda naman dito erik!

Syempre naman noh, sinabi ko sakanila kung anong gusto kong itsura, at buti naman sinunod nila.. tara upo na tayo. Nagtataka lang talaga ako ah, bat ba nya ako inimbitahan mag dinner? Matanong nga..

Ahh eehh erik? Bat mo nga pala ako inimbitahan mag dinner? Sabay tingin sa paligid. Ang ganda talaga! Parang mansion! Whew!

Ahh ehh.. wala lang.. diba nga sabi ko sayo? I just want to know you better. Sabay kindat sakin.

Oohh…

Mam, Sir.. eto na po yung pagkain nyo. Pag tingin ko.. wooooww!! Mabubusog ako nito ng sobra sobra.. LOBSTER!!! Yuummm!! Pero, baka mawala poise ko neto, ako mag babalat ng lobster? Mukhang mahirap ata un ah!

Aahh ehh Erik? Ako ba talaga ang mag babalat netong lobster na toh? Tinawanan nya lang ako.. Loko toh ah!

Hindi noh! Sila ang mag babalat nyan.. Kuya! Pakibalatan naman po oh.. hhaayy salamat! Akala ko talaga ako mag babalat nito! Whew! Habang hinihintay namin yung kakainin namin, nag simula ng magtanong si erik tungkol sa life ko, hindi ko na ikekwento kung ano ung mga sinabi nya kc nakalimutan ko na sa sobrang dami! Nag ka hingian naman kami ng cellphone numbers namin.

Grabee!! Busog na talaga ako.. pag tingin ko sa orasan 9:00 na.. kelangan ko ng umuwi baka magalit sakin daddy ko..

Aahh ehh erik? Mejo late na kc eh, baka kc pagalitan ako ni daddy eh…

Oh sige, hahatid ka na namin.. at ayun nga, hinatid naman ako ni erik at ni manong driver sa bahay namin. Pag ka baba ko sa kotse nila, hinatid pa ako ni erik hanggang sa gate namin.

Hatid na kita hanggang sa pinutan nio.

Wag na Erik, ok lang. Sobra sobra na tong ginawa mo sakin ngayong araw na toh.

Ok lang yun noh! Tsaka madami naman akong atraso sayo, tulad ng hindi pag so-sorry pag nababangga kita. Oo nga noh..

Okay lang talaga ako Erik. Salamat, Nag enjoy talaga ako sa dinner natin.

Sige alexa, good night! Nung papa alis na sya, eh tinawag ko naman sya uli.

Erik! Nung lumapit sya uli sakin, hinalikan ko sya sa pisngi nya.

Goodnight! Nung pa paalis na ako, hinawakan naman nya yung braso ko at….







Hinalikan nya yung noo ko.. :D

Chapter 21:

Nagulat talaga ako sa ginawa nya. Kaya pumasok na lang ako sa bahay namin. Nung nakapasok na ako, hindi ko naman pinansin sina kuya at daddy.. narinig ko na lang na sinabi ni Kuya John eh.. Alexa, bat naka ngiti ka dyan? Sa totoo lang, hindi ako makapaniwala sa ginawa ni erik, may naramdaman nga ako nung hinalikan nya yung noo ko. Pero hindi ko ma explain kung ano. Pag kaakyat ko sa kwarto ko, ginawa ko naman yung daily routine ko. Naligo at nag muni muni ako. Sa kaka muni muni ko, nakatulog na pla ako.

Hindi ko pa nga pala nasasabi sainyo kung anong date na ngayon.. Ngayon ay Wednesday, January 23, 2006. Malapit na rin pala ang prom noh? Gosh! Next Wednesday na rin pala yung laro namin sa basketball.

Pag katapos kong maligo, kumain naman ako agad ng breakfast ko at umalis na ng bahay. Pag kabukas ko ng gate namin, nakita ko na lang si Arc na naka upo doon.. ano naman kaya ginagawa nito dito?

Oh Arc? Bat andito ka?

Wala lang, since malapit lang yung bahay namin sainyo. Naisipan kong sumabay, kc maaga akong nagising ngayon eh.. todo ngiti naman sya.. tinawanan ko na lang sya..

Bat ka natawa? May dumi ba muka ko?

Wala, natawa lang ako sa ngiti mo.. hanggang tenga kc eh!!

Hehehe.. wala lang.. Habang nag lalakad naman kami ni Arc eh panay tanong naman sakin.. nakuu ha! Etong mag bestfriend na toh.. panay ang tanong mamaya nyan malaman ko na lang sila na ang susunod na Boy Abunda at Kris Aquino! Para kasing The Buzz!!

Oo nga pala Alexa, kelan birthday mo?

Bakit reregaluhan mo ba ako? Ahah! Demanding noh?

Kung sasabihin mo kung kelan edi reregaluhan kita! Sabay dila naman sakin.. etong lalakeng toh, hindi mo mapag kakamalan na 4th year high school na, isip bata kasi! Nag salita yung hindi! Wahehehe.

Birthday ko po? Eh sa January 26.. Nagulat nman sya sa sinabi ko.

Bat ganyan mukha mo?

Wala lang. Alam ko iniisip nya, malapit na birthday ko, pero wala nga lang sakin, kc sobrang busy ko din. Hindi ko na nga namamalayan na malapit na rin pla birthday ko. Ako naman ang magtatanong ngayon.

Arc? Kelan birthday mo?

Aahh ehh.. sa February 14 po.. waaatt?? Valentines day yun ah! Waheheh!

Oohh.. sa valentines day pala birthday mo..

Oo nga eh.. habang nag lalakad naman kami, as usual, panay ang tanong nya sakin. Syempre, ako din. Mag bestfriend nga sila ni Erik. Parehong pareho ang ugali nila. At syempre, pareho nila akong pinapangiti.


<3 6:19 PM;
|

AbOut Me ^_________^

NaMe: Jeri Mae Formeloza "Jem" for short

BiRtHdAy: January 26, 1990

ScHo0l: Jean Vanier Catholic Secondary School

LiKeS: Using the computer for the whole day! o.0, eating food, Singing, etc.

DiSlIkEs: B******, >.< FAKE people!




Tagboard




links

"Tree House" Brief Intro
"Tree House" (1 - 3)
"Tree House" (4 - 6)
"Tree House" (7 - 9)
"Tree House" (10 - 12)
"Tree House" (13 - 15)
"Tree House" (16 - 18)
"Tree House" (19 - 21)
"Tree House" (22 - 24)
"Tree House" (25 - 27)
"Tree House" (28 - 30)
"Tree House" (31 - 33)
"Tree House" (34 - 36)
"Tree House" (37 - 39)
"Tree House" (40 - 42)
"Tree House" (43 - 45)
"Tree House" (46 - 48)
"Tree House" (49 - 51)
"Tree House" (52 - 54)
"Tree House" (55 - 57)
"Tree House" (58 - 60)
"Tree House" (61 - 63)
"Tree House" (64 - 66)
"Tree House" (67 - 69)
"Tree House" (70 - 72)
"Tree House" (73 - 75)
"Tree House" (76 - 78)
"Tree House" (79 - 81)
"Tree House" (82 - 84)
"Tree House" (85 - 87)
"Tree House" (88 - 90)
"Tree House" (91 - 93)
"Tree House" (94 - 95)
"Tree House" ( Epilogue )
"Tree House" ( Ending )


Links

Friendster
Nekinerks
Pauline
Ica
Chris