Chapter 7:
Habang nag lalakad kami ni Arc, ang tahimik ko. Hindi ko rin alam kung bakit. Eh pati naman sya tahimik eh.. Anak ng? Bat parang may yumuyugyog sakin?
Alexa!!! tulala ka nanaman eh!!!! Aahh kaya naman pala
Aahh.. eehh.. may iniisip kasi ako eh!! Sabay kamot ng ulo ko.
*beep beep*
ha? Ano yun? Sabay lingon sa likuran at may nakita kaming Mercedes Benz na color black. Kanino naman kaya ito? Hindi naman kami naka harang sa dinadaanan ah?
Parang kilala ko tong kotseng to ah? Sabay silip kung sinong nasa loob.
Ano? Kilala mo ba? Hindi ko kasi talga kilala kung sino yun, nakuu, baka daddy nya yun.
Oh, si Erik. Yung kababata ko, nag aaral din to sa school natin, hindi ko nga lang nakita kanina eh. Kc badtrip daw sya. Tapos pumunta sya dun sa may pintuan at binuksan yung pinto. Sino naman kaya to??
Nung pag labas nung Erik sa kotse, napa tulala na lang ako… kapag minamalas ka nga naman!!!
Chapter 8:
Nakuuu!!! Ang malas naman ng araw ko oh!! Lunes na Lunes! Talga naman!!!!
Alexa, si Erik pala, bestfriend ko. Bestfriend? Pano nya magiging bestfriend toh? Eh ang bait bait ni Arc. Sobrang layo ng ugali nila!
Oh kilala mo pala arc si Ms. CARELESS GIRL. Loko toh ah! Yung ngiti nya!! Pang asar! Hindi ako nag sasalita, tinaasan ko lang sya ng kilay ko.
Mag kakilala pala kau? Tiningnan naman kami ni arc na para bang mag aaway na kami.
Oo naman arc mag kakilala kami, sya lang naman si Mr. NO SORRY GUY!!! Nakuuu naiinis na ako!!
Sya lang naman yung rason kung bat badtrip ako buong mag hapon! Sinuntok nya ako Arc!! Sabay himas ng dibdib nya.. hahah!! Buti nga!!
Hay nakuu Arc, uuwi na ako, maiwan ko na kayo. Nung papaalis na ako, hinawakan naman ako ni arc sa braso ko.
Wag ka munang umuwi, gusto kong makilala mo tong si Erik. Plss.. sabay umarte naman sya na parang nakaka-awang bata! Nakuu, ayaw ko ng ganito eh!! Mabilis pa naman akong maawa…
Ok ok, as long as na hindi ako neto aawayin ah! Sabay tingin naman kay erik na nakatingin din samin at naka smile sya na nakakaloko!
San ka ba nakatira alexa? hatid ka na namin ni Arc. Lumapit naman sya sakin.
Dyan lang ako sa may 4th. Inirapan ko sya.
Oh talga? Kc ako dyan lang ako sa 5th nakatira, tsaka pupunta din ako sa bahay nyo arc. May pinapa bigay si daddy kay tita angelo. Mayaman din siguro tong si erik, may kotse ba naman, tapos may driver pa!
So, tara na? Ehh ayoko naming sumakay dun. Lalo pang kasama ko tong si erik!! >.<
Ehh ayoko, mag lalakad na lang ako. Tumingin naman ng nakakaloko tong si erik.
Bakit Alexa? tapos lumapit sya sakin.
Eh, hindi ko nga sya feel diba? Pabulong lang yan, para hindi marinig ni erik..
Okay lang yan. Mabait naman yan, don’t worry katabi mo ko. Nung sinabi nya yun. Napa smile na lang ako, nung sinabi nyang..
Youre safe with me. ;]
Chapter 9:
Nung nasa kotse na kami ni erik, katabi ko naman si Arc sa kanan ko. Kc si Erik dun sya naka upo sa unahan. Buti na nga lang at hindi ako tinabihan nito, dahil masusuntok ko lang sya! Heheh..
Nung nasa may bahay na kami, nakita ko naman si Kuya John tsaka si Kuya Jay. Nag lalaro sila ng basketball. Nung pag ka park ni manong sa may tapat ng bahay namin. Tumigil naman sa kakalaro yung dalawa kong kapatid. Nung pagbaba ko.
Oh, Si alexa pala eh. Sabay hug naman sakin ni kuya john.
Musta naman school mo alexa? sabay pisil sa pisngi ko. Ganyan talga yan si kuya John. Sobrang lambing sakin..
Okay lang naman kuya, kwento ko na lang sayo mamaya. Sabay kinuha yung bola at shinoot ko naman.. syempre pasok noh!!! Heheh
Hindi mo ba kami ipapakilala sa mga nag hatid sayo alexa? sabay lapit ni Kuya Jay. Oo na. Ipapakilala na! Masyado kasing tong atat si Kuya Jay. Im sure iniisip nya na isa dyan sa dalawa eh nanliligaw sakin.
Kuya John, Kuya Jay, Si Arc classmate ko. Oh at si Erik pala, schoolmate ko. Sabay tinarayan ko anamn si erik. Ahaha! Maldita ko noh? Ngumiti lang naman si erik..
Hi po. Classmate po ako ni Alexa. Arc nga po pala. Sabay abot naman ng kamay at nakipag shake hands kina kuya.
Mukhang mabait to alexa ah! Sabay kindat naman sakin ni Kuya John. Nakuuu yang kindat na yan! May ibig sabihin! Patay sakin yan mamaya si kuya!
Hi din po. Erik nga po pala. Lagi po akong nakakabangga ni Alexa sa hallway. Nakipag shake hands naman sya kina kuya. Nakuuuu.. sapakin ko toh eh!!
Oh ganun ba? Kelangan ba talagang sabay silang dalawa? Yung mukha nina kuya, para bang gusto nilang malaman kung bakit.
Andito ka na pala alexa. paglingon ko si daddy pala.
Hi dad!! Sabay yakap kay daddy. Ganyan ako sa dad ko. Sobrang bait. Hehehe!
Oh pakilala mo naman ako sa mga kasama mo. Sabay ngiti ni dad.
Dad. Si Arc po classmate ko and si Erik po schoolmate ko. Tapos lumapit naman si daddy kay Arc tsaka kay Erik.
Hi poh! Haha! Sabay pa talga silang dalawa!
Sino ba sainyo ang manliligaw ni Alexa?
DAAAAAAAAAAAAAD!?!?!?!?!?!? Nasigawan ko tuloy daddy ko. Nung pag lingon ko sa dalawa. Nagulat na lang ako sa reaksyon nila…
Pareho silang naka smile at, Kinindatan nila ako.