Chapter 16:
Pag katapos kong sabihin sa kanya yun, eh parang nawalan na sya ng gana. Hindi ko na lang muna sya pinansin at naupo na ako sa upuan ko.
Alexa!! sino pa ba? Edi si Tin!
Oh anong balita?
Kilala mo pala si erik? Pano naman nalaman neto? Ay! Oo nga pala, si Tin nga pala toh, lahat pala alam nya!
Ah eh oo.. bestfriend sya ni Arc..
Ganun ba? Oh sige alis na ako! Baka malate ako! Bye Lexa!
Bye Tin!
*Briiiinggg!*
Ayan Nag bell na din sa wakas. Anong class ko? Ang walang kamatayan na Chemistry! Pag dating naman ni mam eh tinawag nya ako.
Alexa, Coach Dennis is looking for you. Pumunta ka na lang sa staff room. Ano naman kaya ang kelangan sakin ni coach?
Opo mam. Habang naglalakad ako papunta sa faculty room eh nakasalubong ko naman si erik.
Oh san ka pupunta alexa?
Pinapatawag daw ako ni coach dennis eh. Sige ah maiwan na kita!
Sige! Ingat!
Pag dating ko sa faculty room andun naman si Coach dennis.
Coach Hinahanap nio daw po ako?
Ayy oo hija! Meron kasi tayong practice ngayong sabado, at may laban tayo sa Wednesday. Hindi mo ba nabasa yung nasa announcement board?
Ay hindi po eh. Sino naman po ang kalaban natin?
Newman daw. Pero dito ang laban. Sige, pwede ka ng bumalik sa klase nyo.
Sige po Coach! Haayy.. may laban nanaman kami! Siguradong mapapagod nanaman ako neto!
Pag pasok ko ng classroom eh napatingin naman ako kay Kristen. Pag tingin ko saknya eh, may binubulong sya sa katabi nya. Ano nanaman kaya ang problema neto? Hindi ko na lang sya pinansin.
Pag upo ko sa upuan ko, kinausap naman ako ni Arc. Haaayy salamat! Akala ko pa naman hindi ako nito kakausapin!
Anong sabi ng coach mo? Ano ba problema nito ni Arc? Kinakausap ba ako neto? Kc nakatingin lang sya sa sahig!
Ahh ehh. May practice daw kami sa sabado. Kasi may laro daw kami sa Wednesday, pero dito daw gagawin yung game. Saka naman nya tinaas yung ulo nya at sinabing.
Oh ganun ba? Pwede ba akong sumama?
Sinuntok ko lang sya.
I will take that as a yes.
Chapter 17:
Wala naman masyadong nangyari sa chemistry at Algebra class ko. Napansin ko na lang. Lunch na pala! Habang nag aayos ng gamit para pumunta ng cafeteria, hinihintay naman ako ni Arc, at dumating na rin si Erik.
Hi bro! Sama sama na tayong kumain nina alexa ah. Sabay akbay kay Arc.
Sige bro. Labas muna ako.. Sa totoo lang, hes acting so strange today! Hindi ko alam kung anong problema nitong taong toh!
Anong meron sa bro ko, alexa?
Ewan ko ba dyan. Kanina pa yan eh. Baka gutom lang? Tara na nga.
Habang naglalakad kaming tatlo papuntang cafeteria. Nauuna naman kami ni Erik at nasa likuran namin si Arc. Hindi ko talaga alam kung anong problema ni Arc.Nung nasa cafeteria na kami. Nilibre naman kami ni Erik. Ang yaman siguro neto! Mainterview ko nga! Heheh!
Oo nga pala erik. San ka sa may 5th? Dito na mag sisimula ang interview ko! Wahehhe!
Oh. Dun ako sa De Los Santos Residence. Bakit? Woah! De Los Santos Residence??? Anak sya ni Governor De Los Santos? No wonder nilibre kami at mayaman nga toh!
HOY alexa! tulala ka nanaman eh!! Sabay kamot sa ulo nya.
A-anak ka ni Gover--.?? Hindi ko naman natapos at tinakpan nya yung bibig ko.
B-bakit? Ano naman problema nito? Weird talga nila!
Ayaw ko lang kc na may nag tatanong sakin kung anak ako ng Governor. Oo daddy ko nga si Governor De Los Santos. But Im not proud of it. Ha? Bakit naman kaya?
Ehh bakit? Nakakaloko to ah!
Ayaw ko lang. Kasi ung iba iniisip na laki sa layaw daw ako. Lam mo un? Hindi naman ako spoiled brat eh! Ahhh kaya pala. Sa bagay ayaw ko din ng ganun.
Aaahh.. Wala na akong matanong eh. Kaya kumain na lang kaming tatlo. Alam nio? Nag tataka na talga ako dito kay Arc. Kanina pa walang imik. Suntukin ko kaya?
Hey! Bakit nanaman ba?
Sungit neto! Ang tahimik mo po kasi, bat ganyan ka? Ano problema?
Oo nga bro.
Wala akong problema. Inaantok lang ako. Inaantok? Mukang palusot un ah. Hindi ko na lang sya pinansin..
Aahh.. yun na lang nasabi ni Erikā¦
Wala naman akong sinagot. Ayaw ko ng ganito. Ano ba talga problema ni ARC??????
Chapter 18:
Pagkatapos naming kumain sa cafeteria, pumunta naman kami sa may kiosk. Habang nag tatawanan kami ni erik. Sumabat naman si Arc.
Sige ah, pasok na ako sa room, antok na talaga ako eh! Okaay??
Ohh sige bro.
Una na ako sayo alexa ah..
K.. naiinis talaga ako sa kanya.
Naaliw talaga ako pag kasama ko tong si erik. Kahit pa sabihin nyong isang araw pa lang kami nag kausap, Masaya sya kasama, lagi nya kasi akong pinapatawa eh. Sa sobrang aliw ko na kinakausap si erik, eh bigla naman nag ring yung bell. Kaya pumasok na ako Wala naman masyadong nangyari nung 3rd period ko which is Biology. As usual nag discuss nanaman kami ng kung ano ano.. nakinig lang ako, kc nga po, sobrang tahimik ng katabi ko. Habang hinihintay namin yung teacher namin sa religion eh, hindi ko na talaga kaya tong katahimikang naririnig ko. Kinausap ko si arc.
Arc, ano ba talaga problema mo? Aba ang loko, ayaw sumagot nakatingin lang sa sahig..
Alam mo? Walang mangyayari dyan sa sahig, hindi ka nyan kakausapin. Napangiti naman sya sa sinabi ko.
Wala talaga akong problema. Nag kasagutan lang kami ng daddy ko kaninang umaga, kaya nga nung nakita mo ako, dinaan ko na lang sa kanta. Oohh, ganun pala sya pag galit? Dinadaan sa kanta.
Bakit naman kayo nagkagalit ng daddy mo?
Kasi napag usapan namin yung tungkol sa college life ko. Tinanong nya ako kung anong gusto kong itake. Ang gusto kong itake eh architecture. Nagalit naman sya kasi gusto nyang itake ko eh law, gusto nya kasing sundan ko yung mga yapak nya. Hindi nya kasi ako maintindihan. Kita ko sa mukha nya na nagagalit na talaga sya..
Alam mo Arc? Okay lang yan. Mapag uusapan nyo naman uli yan diba? Maiintindihan ka din ng daddy mo, just tell him the truth, na ayaw mong maging lawyer.
Thanks Alexa.
Sus! Ikaw pa! Malakas ka sakin noh. Alam mo ba kung bakit?
Bat naman?
Kc, tinuturing na kitang bestfriend ko. Nagulat na lang ako sa ginawa nya..
Niyakap nya ako at pinisil ang ilong ko.. :D