<3 <3 <3 LoViN mY mOnKeY tIlL tHe EnD oF tImE <3 <3 <3
Sunday, July 09, 2006


Chapter 4:

Ang bait talga ni Arc, biruin mong nilibre kaming 3! Waheheh! After naming makabili, umupo naman kami sa isang bakanteng table.

Uhhmm, Arc? San ka pala nakatira? Patay na, nag tanong na c Tin, malamang hindi nya titigilan si Arc sa mga tanong.

Ah.. ehh.. sa 4th lang ako nakatira. Sabay subo ng macaroni spaghetti nya.

Waaa? Malapit ka lang kina Alexa? Sabay tingin naman sakin ni Tin.

Oo, malapit lang sya samin, dun sya nakatira sa Listana residence. At oo, anak sya ni Attorney. Siguro naman wala ng matatanong si Tin noh?

May kapatid ka pa ba Arc? Bat ko ba sinabi na wala ng matatanong si Tin? Eh sya na nga pala ang susunod na host sa The Buzz!

Meron, Si Kuya Arcfel. Wala nga lang sya sa pilipinas, Nasa states pa rin sya, kasi gusto nyang tapusin yung pag aaral nya dun, kc this year na rin sya gagraduate ng college. Sabay inom ng tubig nya. Oh, wala pala ditto yung kuya nya. Buti na lang at natanong ni Tin, at hindi ko na kailangan itanong sa knya, teka? Bat ba masyado akong interesado sa taong toh? EWAN!

Aaaaaahhhhh. yun lang ang nasabi naming tatlo, at tawa kami ng tawa!

Hindi ko pa nga pala nakekwento sainyo kung sino tong mga loka loka kong kasama. Lets start with Tin.

Tin ang tawag naming sa knya, short for Cristina. Nakilala ko c Tin nung 1st year high school ako, at nagging close ko sya kaagad. Sino bang hindi magiging close ditto? Eh pag may nangyari sa school, alam na nya kaagad! Kaya eto ako, laging updated pag may chismis sa school!

Si Micah naman, dba sabi ko sainyo, na sa kanya ako close. Sa kanya ako close kc since Grade 4 kami nag kakilala. nakilala ko tong si Micah, kc may nang aaway sa knya sa play ground. Tamang tama eh nag lalaro ako ng bola, habang hawak ko yung bola, binato ko naman dun sa mga nang aaway sa kanya. Nilapitan nila ako, at sinabing.

Anong problema mo at binato mo kami nyang bola?

Problema ko, KAYO! Wala kasi kayong magawa at inaaway nyo pa yung walang kalaban laban sainyo, bat di na lang ako ang awayin nio?

Girls! Narinig nyo naman sya diba?

Nung sinabi nya yun, bigla na lang nila akong sinabunutan at pinag sasasampal. Dahil nga hindi ako marunong makipag sampalan. Ang ginawa ko naman eh, sinuntok ko silang lahat! Ayun! Lahat sila may pasa, at iyak ng iyak papunta sa principals office. Na suspend nga ako nang isang linggo dahil sa ginawa ko, pero hindi naman ako pinagalitan ni daddy dahil tama lang daw yung ginawa ko.

Hoy Alexa! Tulala ka nanaman dyan! Guluhin ba naman daw yung buhok ko!

Anak ng! Bat mo ginulo yung buhok ko - -?? Sino bang gumawa nun?

Nung tiningnan ko si Tin at Micah, hindi daw sila yung gumawa, eh sino nama- -?? Nung pag lingon ko sa pintuan, tawa ng tawa si arc.

AAAAAARRRRRRRRRCCCCCCCCCCCC!!! Sabay hinabol ko sya.

Habang hinahabol ko si Arc, eh nabangga ako sa isang lalake. Teka sya yung?!!?? Pag minamalas ka nga naman!






Ikaw nanaman? This time talagang tinumba mo pa ako ah!!! Oo, sya yung lalakeng walang modo! Uurrrgghhh!!!

Chapter 5:

Buhay nga naman! Sinusundan ka ng malas! Mabangga mo pa eh isang lalakeng hindi marunong mag sorry! Sabay tayo, at inayos ko ang sarili ko.

Aba! Loka loka ka ring babae ka noh? Kilala mo ba ako? Sabay turo sa dibdib nya.

Alam mo tol!? Wala akong panahon para makipag usap sayo, at wala akong panahon para malaman kung sino ka! Habang sinasabi ko yung mga bagay na yun, talagang galit na galit na ako! Hindi ko na nakayanan yung sarili ko..

Sinuntok ko sya sa tyan nya.! Sabay takboooooooooooo!!!!

Habang tumatakbo ako, naririnig ko yung sinasabi nung lalakeng yun. Mag kaka oras ka din sakin!!! Mag kaka oras daw! Mukha nya! Dahil nga wala na ako sa mood, para hanapin pa si Arc, pumunta na lang ako sa classroom namin.

Pag dating ko sa classroom namin, wala pa rin c Arc nun, at wala pang tao, dahil may 15 minutes pa kaming natitira bago mag 3rd subject. Kaya naisipan ko naman lumabas at mag pahangin. Dun ako umupo sa may Kiosk kung tawagin. Para syang bahay kubo dahil yung bubong nya eh gawa sa dahon. Pero ung lamesa at upuan eh gawa naman sa semento.

Habang nag papalamig ako, Naisipan ko namang matulog kahit sandali lang. As usual, hindi nnamn ako makatulog dahil may gumulo ng buhok ko.

Ano ba yan?!?!?! Wala ako sa mood pwede ba?!?! Hindi ko talga inangat yung ulo ko, sumisigaw lang ako dun, para nga akong sira, kasi parang kinakausap ko yung semento.

Sorry, Alexa, wala ka pala sa mood. Ah. Ehh. Ok ka lang ba? Sabay upo sa tabi ko.

Ano sa tingin mo? Okay lang ba ako? Diba hindi?!?!? Hindi naman ako galit saknya, pero sya tuloy yung nasisigawan ko.

Ano bang nang yari? Inangat ko na yung ulo ko, at nakita ko yung mukha nya eh, talaga namang nag aalala sya sakin.

Kc nung hinahabol kita, may nakabunggo ako. Sya yung nakabunggo ko kaninang umaga. Yung sinabi ko sayong walang modo. Kung nakikita nyo lang ako, yung mukha ko talgang namumula na ako sa sobrang galit! Sa sobrang inis ko hindi ko na namalayan na nag bell na pala para sa 3rd period namin.

Wala naming nangyari nung 3rd and 4th period namin. Namalayan ko na lang, eh uwian na pala. Nung nag liligpit na ako, napansin ko na ako na lang pala ang mag isa sa classroom namin. Nung papalabas na ako, nakita ko naman si Arc sa may kiosk.

Oh bat andyan ka pa? Akala ko pa naman umuwi ka na. Habang papalapit naman ako sa knya.

Eh tinatamad akong mag lakad mag isa, kay naisipan kong hintayin ka, para may kasama ako. Tumayo naman sya at naglakad na kaming dalawa.





Bat ganun? Pag ngumingiti sya. Kakaiba?

Chapter 6:

Alexa? Okay ka lang ba? Sabay snap sa harapan ko.

Tulala ka nanaman! Matanong nga kita. Sabay hawak sa balikat ko.

Haa? Ehh?? Ano un? Sabay kamot sa ulo ko.

May sakit ka bang laging natutulala? Loko toh ah! Kala ko naman seryoso na sya! Paaakk!! Ayun pinalo ko sya sa noo nya.

At mahilig ka ba talgang manuntok at mangpalo ng noo? Sabay hawak sa noo nya. Sinuntok ko nanaman sya.

Aray!! Sana pala hindi na lang ako sumabay sayo, kung mag kakapasa lang din namn ako! Sabay hawak as braso at noo nya. Hahaa!! Kawawa naman tong si Arc..

Wala po akong sakit na natutulala. Ganun lang po ako kapag may iniisip ako. At OO may hobby akong manuntok! Dinilaan ko lang sya.

So, Alexa. Mag kwento ka naman tungkol sa family mo. Sabay nag pa cute sakin…

Sige mag kekwento ako, pero tigilan mo ang pag papacute! Sabay naman kaming tumawa.

Well, Ako lang po ang nag iisang babae sa pamilya namin. May 2 akong kuya, at isang bunsong kapatid na lalake. Yung panganay ay si Kuya John, yung sunod naman eh si Kuya Jay, at yung bunso eh si jun-jun.. Kung napapansin mo lahat ng pangalan nila eh nag sisimula sa J. Kc yung daddy ko Je- - . hindi ko namn natuloy yung sasabihin ko dahil sabi nya.

Jeff Rodriguez ang name ng dad mo.. sbay ngiti. Pano naman kaya nya nalaman?

Alam ko name ng dad mo, kc nung bata pa ako, sya yung family doctor namin, hindi ko nga alam kung bat hindi na sya yung family doctor namin eh. Sabay kamot nanaman ng ulo nya.

Eh ikaw? Bat hindi nag sisimula yung pangalan mo sa J? nakuu.. sabi ko na nga ba eh! Mag tatanong toh. Akala ko pa nman hindi nia napansin.

Eh.. kasi.. yung full name ko eh… Josepha Alexa Rodriguez. sa totoo lang sya pa lang ang nakakaalam ng full name ko, kc ayaw ko ng josepha! Masyadong girly girl!

Cool name! Ngumiti naman sya.

Uhhmm… Arc? Can you do me a favor? Sabay tingin sa sahig.

Sure! Ano yun? Tumigil naman kaming dalawa.

Kc ikaw pa lang ang nakakaalam ng full name ko, kung pwede sana wag mong ipag sasabi sa iba. Ngumiti na lang ako nung sinabi nyang.






You can trust me, Alexa. *Wink*


<3 9:13 PM;
|

AbOut Me ^_________^

NaMe: Jeri Mae Formeloza "Jem" for short

BiRtHdAy: January 26, 1990

ScHo0l: Jean Vanier Catholic Secondary School

LiKeS: Using the computer for the whole day! o.0, eating food, Singing, etc.

DiSlIkEs: B******, >.< FAKE people!




Tagboard




links

"Tree House" Brief Intro
"Tree House" (1 - 3)
"Tree House" (4 - 6)
"Tree House" (7 - 9)
"Tree House" (10 - 12)
"Tree House" (13 - 15)
"Tree House" (16 - 18)
"Tree House" (19 - 21)
"Tree House" (22 - 24)
"Tree House" (25 - 27)
"Tree House" (28 - 30)
"Tree House" (31 - 33)
"Tree House" (34 - 36)
"Tree House" (37 - 39)
"Tree House" (40 - 42)
"Tree House" (43 - 45)
"Tree House" (46 - 48)
"Tree House" (49 - 51)
"Tree House" (52 - 54)
"Tree House" (55 - 57)
"Tree House" (58 - 60)
"Tree House" (61 - 63)
"Tree House" (64 - 66)
"Tree House" (67 - 69)
"Tree House" (70 - 72)
"Tree House" (73 - 75)
"Tree House" (76 - 78)
"Tree House" (79 - 81)
"Tree House" (82 - 84)
"Tree House" (85 - 87)
"Tree House" (88 - 90)
"Tree House" (91 - 93)
"Tree House" (94 - 95)
"Tree House" ( Epilogue )
"Tree House" ( Ending )


Links

Friendster
Nekinerks
Pauline
Ica
Chris