Chapter 1:
Habang tumatakbo ako papuntang classroom naming dahil late na nga ako, eh may na bunggo naman akong lalake. Anak ng!
haharang-harang ka kasi eh! Aba! Ako pa may kasalanan! Dahil wala na akong oras makipag talo sa lokong to, binilisan ko na lng yung lakad ko. Habang naglalakad ako, tiningnan ko sya ng masama, sabi ba naman nya sakin.
Sa susunod kc tumingin ka sa dinadaanan mo! habang sinasabi nya yun dahil nga nag lalakad ako, eh may naka bunggo nanaman ako. Ano ba naman yan? Araw ba ng bungguan sa hallway ngaun?
ay sorry miss, hindi kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko eh. Buti pa to at marunong mag sorry!
ahh.. okay lang! Cge ha late na kasi ako eh! Sabay takbo papunta sa classroom, this time hindi na talaga ako lumingon at baka kung sino nanaman ang mabangga ko.
Nung nasa pinto na ako ng classroom naming, eh hindi ko naman magawang kumatok dahil alam kong mapapahiya nanaman ako neto! Ok fine! Kaya mo yan alexa! Hinga ng malalim!
Miss Rodriguez! Your late again?? Isa pang late mo, I will give you a detention! Maghanap ka na nga lang ng mauupuan mo. Yan si Ms. Reyes, ang aming matandang dalagang teacher sa chemistry, kaya laging mainit ang ulo.
Yes mam! Kulang na lang eh sumaludo ako na para bang isang sundalo. Hehehe
habang naglalakad ako papunta sa dulo ng classroom naming dahil may bakanteng upuan eh natalisod naman ako! Ano ba yan? Kanina lang eh nababangga ako, ngayon naman natalisod ako! Naman! Nung tiningnan ko kung bat ako natalisod, nakita kong may nakaharang na paa. Kaninong paa? Edi sa pinaka malanding babaeng nakilala ko! Edi si Kristen Anne Magpantay!
What happened here? Sabi naman ni mam.
Ano pa po? Edi natalisod nanaman si alexa, tatanga-tanga kasi! tawa pa sya ng tawa! Para bang tawa ni satanas!! Nakuu! Lagi na lang syang ganyan! Lagi akong tinatalisod! Dahil nga wala ako sa mood ngayon, talagang sinagot ko na sya!
Eh pano pong hindi ako matatalisod? Eh nakaharang po ang mabaho mong paa! sabay ayos ng damit ko.
Paa ko? Mabaho? Puhhleeaassee!! Mas mabango pa tong paa ko sa katawan mo eh! nakipag apiran ba naman sya sa mga kasamahan nyang mga demonyita!
Oh yea? Why don’t you look at your birth certificate and ask yourself, Mabango ba ang apelyidong MAGPANTAY? Lahat ng classmates ko eh nag tawanan, c mam nga pinipigilan na lang nya yung tawa nya.
Shut up! kita mo talga sa mukha nya na galit na galit na sya.
Make me! at nakapamewang na naman ako sa harap nya.
Oh sia, tama na yan, or else both of you will have a detention. Alexa, you may take your sit now.
Opo, Mam.
Nung nakaupo na ako, natulog naman ako. Ang boring kasi, kung ano ano ang pinag sasasabi ni mam. Puro balancing equations. Tutal alam ko na kung pano gawin yun, matutulog na lang ako. Eh hindi naman ako makatulog dahil ang daldal ni mam, meron kasi syang kausap. Ini-interview nya ata. Ang narinig ko lang eh, baguhan lang daw sya dito, kaya daw sya na late dahil kinausap muna sya ng principal. Dahil hindi naman ako ganun ka interesado kung sino naman yung kausap ni mam. Natulog pa rin ako, nang bigla ko na lng naramdaman na may kumalabit sakin. Teka, eh wala naman akong katabi dito kanina eh! Nung inangat ko yung ulo ko, Teka! Sya yung….
Hi! Im Arc nga pala, ako yung nakabangga mo kanina.I guess that answers my question. :D
Chapter 2:
Hi, Im Arc nga pala. Todo ngiti naman sya sakin.
Ako yung nakabangga mo kanina, Ano pala name mo? habang binababa nya yung bag nya sa sahig.
Ah, Alexa nga pala, sensya ka na kanina ha, kasi nag mamadali lang talga ako, tapos may naka bangga pa akong walang modong lalake. Sabi ko naman na medyo naaasar ako.
Sino naman yun? Sabay kamot sa ulo, na para bang iniisip nya na sya yung nakabangga ko.
Hindi ko kilala eh, bago kasi kita mabangga, may nabangga muna akong lalake.. hmm, matangkad sya, chinito, maputi, semi kalbo, tsaka mukhang ma-angas! Hmpf! sabay suntok sa knya. Hehehe
What was that for? sa totoo lang, yung suntok na yun, wala lang, feel ko lang. Pag hyper ako, siguro kung sino man ang katabi ko, eh siguradong may pasa na sa braso nila, dahil suntok lang ako ng suntok at malakas pa..hehehe!
Wala lang po.Sabay dila naman sa knya. Ganito lang talaga ako, sobrang isip bata! Nung lumingon ako sa knya, nagulat na lang ako sa ginawa nya…
Nag smile sya sakin.
*********
Habang nag dadaldal naman si mam, tungkol sa balancing equation, ano pa bang gagawin ni Alexa? Edi matulog. Hindi ko nga alam kung bat ako ganito ka antok eh! Habang nakakatulog na ako, eh kinalabit naman ako netong katabi ko.
Bakit? Sabi ko naman habang nakayuko pa rin ako.
ah.. eh.. wala lang, gusto ko lang makipag kwentuhan. Yun ay kung okay lang sayo. Hhaaay.. ano pa bang magagawa ko? Edi syempre pag bigyan tong katabi ko, tutal, kami ang mag kakatabi for the whole year, better start asking questions about him, kung manyak ba sya.. heheh! Joke lang.
oh ayan po, gising na ako, anong gusto mong malaman?nung nakatingin na ako sa knya, nakangisi naman sya, ewan ko ba dito sa lalakeng to.
San ka ba nakatira? ano toh interview?
dyan lang ako nakatira sa may 4th, pwede kong lakarin simula dito sa school. Pero kung tinatamad ako, syempre mag jejeep ako. Ikaw? nakatingin naman ako sa knya, yung mukha nya parang naka kita sya ng multo.
hoy! Okay ka lang ba dyan? Mukhang nakakita ka ng multo ah? SaB ko san ka nakatira? habang nag snap naman ako sa mukha nya.
ah. Ako? Sa 4th din.
oh malapit lang. Ano sabi mo? sabi ba nya 4th? He must be kidding me!
sabi ko po sa 4th din ako nakatira. Dun ako sa may Listana residence. Ikaw? ano daw? Listana residence? Anak sya ni attorney listana? Oooohhh he must be so rich! Grabee! Ang yaman pala ng katabi ko. Sana break na, para mag palibre ako! Hehe.. jokes lng uli!
hoy! Sabi ko sa may listana residence ako nakatira. Kanina pa kita tinatanong kung san ka nakatira, para ka naman dyang nakakita ng multo, naka tulala ka lang sakin.Wahehehe! Nakatulala nanaman pala ako. Ano ba yan alexa! Nakakahiya ka.
anak ka pala ni attorney Listana?
kilala mo daddy ko?actually hindi ko sya kilala, yung dad ko ang nakakakilala sa kanya, kasi sa pag kaka alam ko mag kaibigan ung dad ko tsaka si attorney.
Hindi ko po kilala daddy mo. Medyo kilala lang naman po yung buong family nyo sa buong 4th.Totoo naman eh, kasi sila yung pinaka mayaman sa 4th street.
oh ganun ba? San ka nga sa may 4th? nakuu, sasabihin ko ba? Mamaya nyan, maging stalker ko na toh! Asa pa me! XD
ahh.. ehh.. dun ako sa Rodriguez residence.
ohh.. anak ka pala ni doctor Rodriguez.Waaa? Kilala nia daddy ko?
kilala mo daddy ko? sabay kamot ng ulo at kinakabahan.
hindi ko kilala daddy mo, tulad ng sinabi mo, kilala kami sa buong 4th street, eh kayo din naman, dahil napaka bait ng daddy mo.Sa bagay totoo naman yun. mabait talaga si daddy. kc pag may sakit sa street namin. tutulungan at tutulungan ni daddy.
Nung tiningnan ko sya eh mukhang malalim ang iniisip nya ng bigla na lang syang lumingon at..
Kinindatan nya ako.
Chapter 3:
*Briiiiiiiiiiiiiiiingggg!!!*
Hay salamat! Tapos na rin ang chemistry. Sobrang bored na bored na ako eh. May natutunan kaya tong c Arc? Samantalang ako wala, dahil sa natulog uli ako. Habang hinihintay naming dumating yung teacher naming sa Algebra, eh kinausap ko na si Arc, para mag tanong. Kasi pag Algebra time na, hindi ako pwedeng matulog at makipag daldalan. Bakit? Kasi favorite ko ang math, at parang yun lang ang importante sakin. :D
So Arc, san ka ba napasok dati?sabay ngiti naman ako sakanya.
Actually, sa States ako dati nag-aral, umuwi lang ako dito sa pilipinas.Hmm.. bakit kaya?
Bat ka naman umuwi? For good ba? Kung hindi, kelan naman ang balik mo? Ilan kayong magkakapatid? habang nag tatanong ako, eh mukhang nag bibilang sya sa kamay nya. Nung tiningnan ko sya, naka ngiti sya. Ano nanaman ba ang problema nitong taong toh?
Bat ganyan ka makatingin?? natataranta tuloy ako.
Alam mo ba? Yung tinanong mo sakin eh apat. Ang dami nun, kaya binilang ko. Umuwi ako dahil gusto kong mag stay dito. Oo, umuwi ako ditto for good, pero hindi ko alam kung papa balikin pa ako ng daddy ko sa states. 2 lang kaming magkapatid. Mas matanda sakin name nia si Kuya Arcfel.Nung nakatingin ako sa knya, habang sinasabi nya ung mga bagay na tinatanong ko, eh hindi man lang sya nakatingin sakin, sa notebook lang sya nakatingin. Pareho ata name nila ng kuya nia, pareho sila ARC. Ano kaya fullname neto?
Good morning class! ayan na pala c Mr. Toledo eh. Bawal na ako makipag daldalan!
Cge, Arc, makikinig lang ako kay Mr. Toledo. Kelangan eh. Tumango lang sya. Buti naman at masunurin tong katabi ko.
*Briiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!!*
ayan, tapos na ang Algebra class naming, at pareho kami ni arc tahimik. Dahil sabi ko saknya, kelangan kong makinig. Halata din naman sa knya na nakikinig sya eh.
Oh ayan, tapos na ang algebra class, alexa. Siguro naman eh pwede na akong magsalita?Loko toh ah.
heheh. Opo Mr. Arc naka smile lang ako.
Ano pang hinihintay mo dyan? Kain na tayo sa cafeteria! Gutom na talga ako! sabi nya sakin habang hawak yung tyan nya. Hehehe
ok ok kakain na tayooooooooo!!!!napasigaw tuloy ako, dahil hinila nya ako papalabas. Hanggang sa cafeteria eh natakbo pa rin ako.
Ano ba arc? Bat pa ba natin kelangan tumakbo? hingal na hingal naman ako habang sinasabi ko saknya un.
ayaw mo nun, edi gutom na gutom tayo pag dating ditto, at marami tayong makakain. Nakuu, sigurado akong matakaw tong katabi ko!
Nung nakapila na kami, eh may narinig naman akong sumigaw ng pangalan ko, sabay pa nga kami ni arc tumingin kung cno un eh! Ang ingay kc eh! Buong caf ata eh narinig sya! Pag lingon ko, sino pa ba? Ang aking dalawang loka lokang bestfriend! Sino yung sumigaw? Edi silang dalawa!
Hoy Alexa! Late ka noh?loka pala tong c tin eh, tinawagan nya nga ako kaninang umaga para sabihin na late ako tapos ngayon naman eh tinatanong nya kung late ako.
oo late ako. Yung lang nasabi ko.
uy Alexa, may Volunteer hours ka na ba? Tsaka pareho ba tayo ng homework sa Algebra? Kung oo tapos mo na ba? Yan naman si micah, loka loka din yan, saknya ako mas close, kasi mejo matagal na rin kaming mag kakakilala, at kung iniisip nio na nerd toh, well, mejo. Pero marunong din tong mag bar noh! Waheheh!
oo ata micah, pareho ata tau sa algebra, err.. hindi ko pa tapos eh.. uuhhmm, volunteer hours? Wala pa eh.Nakalimutan kong may kasama pala ako, kaya pinakilala ko sila kay Arc.
Tin, Micah, Si Arc nga pala, bago kong classmate, and yea, katabi ko sya.Nakipag shake hands naman sila kay Arc.
Hi sainyo, alam nyo ba tong kaibigan nyo, laging natutulog.Lokong toh! Ibroadcast ba namn daw na natutulog ako sa class. Sinuntok ko na lang sya.
hey! Whats that for? sabay himas ng braso nya.
Che!bigla na lang akong hinila nung dlawa kong kaibigan.
Ang gwapo nya!! Kelangan ba talagang sabay pa silang sabihin yun?
okay lang. Honestly, may itsura nga un si Arc, pero hindi ako mag kakagusto sa knya noh! Sobrang kulit kasi! Hindi nga ba?
Nung pag lingon ko saknya.
Binilhan na nya kami ng pagkain! Yahoooooooo!! :D