Saturday, September 09, 2006
Chapter 91:*Yawn* Asan ba ako? bat ang liwanag? Sobra naman sa liwanag dito, hindi ba nabubulag mga tao dito? Asan na nga ba yung mga tao?
OOoooh kanino naman tong kwartong toh? Sobrang puti, puti ang kama, puti ang unan, puti ang mga pillow cases, pati upuan puti! whew! siguro tide ang ginamit ditong sabong pang laba.. hehehe... maka labas nga...
Hello?!? Walang sumasagot...
May tao po ba dito?Meron, andito ako sa kusina.. sino ka naman? naglakad ako papuntang kusina, and honestly, puti lahat ng gamit... kainis ah!sakit sa mata!
nung pumasok naman ako sa kusina, nag luluto naman sya.. di mo alam kung girl ba sya or boy, kasi maiksi yung hair nya...
Sino po kayo? nung humarap sya sakin, I was thrilled, di ko ma-explain yung na feel ko, bigla na lang ako naluha...
Bat ka umiiyak? Hindi pa rin ako makasagot, nung nilalapitan nya ako, umiiwas naman ako.. hindi ko din alam kung bat ako natatakot, hindi naman nya ako kakainin pero, WEIRD....
Hey, okay lang yan.. Anong okay? di na nga ako mapakali eh! ang bilis pa ng heartbeat ko! ano ba yan?!?!?
lumapit uli sya sakin, and this time, di ako umiwas, tapos niyakap nya ako.. at lalo akong naiyak...
Don't cry.... I'm here... Everything will be fine...I miss you so much....Mom.....Chapter 92:Are you okay hija? Yep, it's my mom, di ko alam kung bat ko sya nakikita ngayon, at hindi ko alam kung asan ako...
Opo...Wag kang mag alala anak, maa-ayos din ang lahat...Ma?Bakit?Asan po ako?Lahat ng ito ay panaginip lang anak, pag gumising ka, magiging okay na ang lahat, magiging masaya kayo uli... Wag kang mag alala, lagi nyo akong kasama... pareho naman kaming naiyak ni Mama, sobrang miss na miss ko sya...
Basta anak, Be strong... Makakaraos ka din... Gawin mo to para samin, lalo na sa taong nag mamahal sayo, at sa taong nag donate sayo... Ma?Hmm?Kilala nyo po ba kung sino yung nag donate sakin?Oo hija...Sino!?!?Di ko pwedeng sabihin anak, time will come at malalaman mo din kung sino...Di ba talaga pwede ma?Hindi talaga, magagalit sya sakin... Sige hija, aalis lang ako...San ka pupunta ma?Bibisitahin ko yung nag donate sayo... Gusto nya kasi ng balita galing sayo eh...Pwede ba akong sumama Ma?Hindi eh... Stay here, okay?Okay po... Pumunta naman ako sa sala, para manuod ng Tv... and yea, pati yung tv puti din ang kulay... as in lahat puti, pati kami ni mama naka puti din... mejo inantok ako kaya nakatulog ako...
ZZZZZzzzzzzzzzZZZZZZZ
Chapter 93:Lex, gising ka na oh, please... bigla ko namang binuksan yung mata ko...
Kuya?LEX!!! bigla naman nyang pinisil yung kamay ko...
K-kuya?Oh?!?Yy-uung k-kamay k-koo..Ayy sorry... So okay ka lang ba?Opo... tumingin naman ako sa paligid ko, at andun silang lahat, pati na rin si tin, micah at si erik....
Uy lex!u-uy...Uhm excuse me lang po, pero sabi po ng doctor, wag daw po masyadong mag papagod si alexa...Okay! nagulat tuloy yung nurse, sabay sabay ba naman daw kasi silang sumagot...
Dad?yes hija?Nakita ko si mama. nakita ko sa mukha ni daddy, na nagulat sya at natutuwa na din..
Anong sabi ng mama mo?Lagi nya daw tayong kasama.... bigla namang naluha si daddy, at may malamig na hangin na dumaan... Bumulong naman ako...
Thanks Ma, Okay na po ang lahat....Erik?Oo, may kwek kwek ka, bibilhan kita mamaya..Tange, di yung itatanong ko..ganun ba? hehe, ano bang itatanong mo?Tumawag ba si arc?Hindi eh.. =\
<3 7:55 PM;
|