Thursday, July 13, 2006
Chapter 31:
Napangiti lang ako at kinuha ko rin yung Rose na binigay ni arc... Bigla naman tumugtog yung kantang Kung Wala ka by hale...
Sayaw tayo? aahh eeh.. okey.. ayun nga pumunta kami sa dance floor. nung nakatayo na ako sa harap nya, nilagay nya lang yung kamay ko sa balikat nya, at nilagay nya yung kamay nya sa bewang ko. Matagal din kaming sumayaw dun.. natapos na yung kanta ng bigla syang nag salita...
Care for a walk? madilim na nga nun eh.. kaya nag dadalawang isip ako...
Madilim na kc arc eh... What did i tell you? eehh ano nga ba?
You're safe with me diba? masyado ng mabenta yang sentence na yan ah! hhehe.. well, totoo naman talga.. so y not?
Okay.. Nung nag lalakad kami sa tabing dagat, ung kamay nya nasa bulsa at ako naman eh hawak ko ang tsinelas ko... pareho nga kaming naka yuko... pareho din kaming tahimik..
Arc... Sorry kung hindi ko nasabi sayo yung tungkol sa sakit ko... and if you don't mind, let's just keep it a secret. Bigla naman nya akong niyakap.. nung una, nakababa lang yung kamay ko, pero nung lalaong humihigpit yung pag yakap nya sakin, niyakap ko na rin sya...
Arc.. okay ka lang ba? saka naman nya ako pinakawalan sa pag yakap...
Hindi ako okay.. i just can't believe that you're sick... Ang alam ko.. Si Alexa Rodriguez eh malusog... Yun din ang akala ko.. Basta Alexa... Aalagaan kita.. and that is a promise! Nung sinabi nya sakin yun, hinalikan ko na lang sya sa pisngi nya at sinabing...
Thanks for everything Arc....
++++++++
Pag katapos naming mag lakad lakad ni arc. bumalik naman kami sa restaurant.. at wala naman masyadong nangyari.. Pati rin sa school, walang bago.. Puro homeworks... Napansin ko na lang....
Game na pala namin, against Newman....
Chapter 32:
Aba himala! naunahan ko ung Alarm clock ko! hindi ba halata na atat akong maglaro?!?!
Pag katapos ng aking daily routine, lumabas na ako ng bahay namin. pag ka labas ko naman ng gate.. wo0o0ow naman!
Oh andito pala ang dalawa kong bodyguard!!!
Asa ka pa ah!! hahaa!! sabay pa talaga sila!!! well, lagi naman ganito eh.. kung ndi si erik ang makikita ko, si arc naman.. pero kadalasan.. sabay silang dalawa.
Heto nanaman po tayo! May poste nanaman sa tabi ko... totoo naman eh!! ang tangkad kc nila!! pero mas matangkad si Arc kay erik.. bat ko ba pinag kukumpara? XD
So ready ka na ba alexa sa game mo mamaya?
Opo... bakit?
Wala lang.. pupunta kami eh!!!
Malamang! eh sa gym lang naman gaganapin eh! sabay naman nila akong dinilaan.. tawa lang ako ng tawa... kahit nasa loob na ako ng classroom, tawa pa rin ako ng tawa.. kc panay ang loko nila sakin.. haaayy.. ganito talga feeling pag may kasama kang mga gwapong clowns.. sinabi ko bang gwapo? well, totoo naman eh.. waheheh!
Mamaya pa naman yung game namin. 4:00 pa daw.. so mga 3:00 kami papalabasin.. wala naman kaming masyadong ginawa sa klase... natulog lang ako.. para ndi ako antukin sa laro mamaya.. XD
Hoy alexa! bumangon ka na dyan! lunch na noh! kain na tayo dalii!! kelangan ba talga akong hilahin nito ni arc? pag dating ko sa cafeteria, hindi na kami pumila, at nanlibre nanaman si erik! okay ah!! nakakaipon ako dahil lang kay erik!! wala akong gastos! ahaha!
Oh alexa, kumain ka ng marami, para hindi ka manghina mamaya ah... para hindi ka mapagod agad.. nung cnabi ni erik yun, nag katinginan naman kami ni arc.. yung mukha ni arc eh parang sinasabing.. "wag ka ng mag laro mamaya, baka kung ano pang mangyari sayo.."
Okay po... tapos un, kumain na lang ako.. anong kinain ko? lemme see... Lasagna, Banana Cake and sympre diet coke.. XD pag katapos ng lunch, bumalik na kami sa klase namin. Wala yung teacher namin sa 3rd period kaya lumabas lang ako... may umupo naman sa tabi ko... sino pa? edi si ARC!
oo nga pala alexa, para sayo oh.. goodluck sa game nio mamaya! umalis naman sya... nung tiningnan ko ung binigay nya sakin.. papel lang sya.. nung pagtingin ko.. ako yun ah?!?! oo, drinawing ako ni arc.. ung itsura nya eh.. yung bola nasa ere, tapos ung kamay ko, naka taas pa rin... malamang drinawing nya toh, nung time na nag papractice kami... hindi ko naman namalayan.. game na pala namin!
Chapter 33:
Hindi ko na sainyo ikekwento kung anong nangyari sa game namin... Alam nio naman kung pano laruin ang basketball diba? Takbo dito.. takbo dun... shoot dito.. shoot dun.. in the end.. NAKAKAPAGOD! hehehe... syempre... kami ang nanalo... infaireness ah, ang gagaling ng mga taga Newman... close fight nga eh..
Pagkatapos ng game namin, todo pag bati naman ung mga taga school namin. buti nga ndi umatake ung pag sakit ng dibdib ko. pagkatapos ng walang tinding pag bati, naisipan ko namang pumunta na sa locker room ko para mag palit na ng damit. pinag papawisan na nga ako eh... Pag kalabas ko sa locker room namin, may nakita naman akong shadow ng lalake.. sino naman kaya toh? Nung nilapitan ko ng malapit na malapit, bigla nyang tinakpan ung bibig ko, at binuhat ako... Ano toh kidnap???? Habang tumatakbo sya, pinapalo ko naman ung likod nya at panay sigaw... walang makakarinig sakin dahil gabing gabi na, at wala ng tao. napansin ko na lang binaba nya ako sa likod ng gym namin.
WALANG HIYA KA!!!! PAKAWALAN MO KO!!!!
Alexa...
PULIS!!!!! TULUNGAN NIO AKO!!
Alexa!
MAY KIDNAPPER DITO!! TULONG!!
ALEXA!!!!! inalog naman nya ako..
S-sino ka ba? nung pag tingin ko saknya... aarrgghhh!!
WALANG HIYA KA ERIK!!!!!!
++++++
Ano ba pumasok sa kokorte mo at tinakot mo ako ng ganun? buti na lang ndi ako inatake sa puso!!
sorry na.. gusto ko lang naman kc mag tanong eh...
mag tatanong ka lang naman pala, kelangan ba talagang ganun!?!?! nakuu ah! naiinis na ako!!
makinig ka muna sakin.. Please..
Ok ok.. ano yun?
Alam ko masyadong maaga, gusto ko lang manigurado..
Pinapahaba mo naman eh! gabi na oh.. ano ba kc yan?
Will you be my date? Sa prom? Ano daw????
<3 9:06 PM;
|