Chapter 10:
Nung pag pasok ko sa loob ng bahay, eh kinakausap naman ni daddy si Arc at si Erik. Malamang interview nanaman toh! Ganyan lang talga daddy ko, pag tungkol na sa lalake, guto nyang kilalanin. Ewan ko ba dun!
Ate Alexaaa??? Nakuuu, si jun-jun nanaman toh!
Bakit? Sabay tingin sakanya..
Tawag ka nina Kuya, lalaro daw kayo ng basketball.. ano naman kaya naisip ng mga kuya ko noh?
Sige bababa na ako. Nag bihis lang ako, at bumaba na nga ako. Pag kababa ko, kinakausap pa nga rin ni daddy si Arc at Erik.
Tara alexa 1 on 1 tayo. Binato namn sakin ni Kuya John yung bola…
Oh asan si Kuya Jay? Akala ko kasi kaming 3 yung mag lalaro.
Bumili ng drinks natin para mamaya. Tara game na! Si Kuya John talga, laging atat. Lagi ko naman natatalo. Hahaha! Habang naglalaro kami ni kuya naririnig ko na sinasabi ni daddy kina arc eh. Ganyan talga yan si Alexa, magaling mag basketball, kaya nga sya nakasama sa varsity eh. Ipag kalat ba naman daw ni daddy?
Ano pa nga ba ang nangyari sa laro namin? Syempre talo nanaman si Kuya John. 20-18.. hehe 2 points lang nman.
Pano yan Kuya? Talo ka nanaman? Pagod na ako..
Sus! Nag patalo lang naman ako eh. Haha! Ganyan lagi ang rason ni Kuya John, pag natatalo ko sya.
Oh pagod na si Alexa, tama na yan. Inabot naman sakin ni daddy yung towel nya, para sa pawis ko. Ganito talaga ako napapagod ako agad, simula nang malaman kong…
May sakit ako sa puso. =(
Chapter 11:
Bago ako pumasok sa loob ng bahay naming, eh nag paalam naman sakin yung dalawa na uuwi na daw sila dahil medyo gabi na rin. Niyaya pa nga sila ni daddy kumain eh. Pero tumanggi naman yung dalawa, at kelangan na rin daw nila umuwi.
Pag ka pasok ko sa kwarto ko, naligo ako agad. Nung pagtingin ko sa relo ko. Mga 30 minutes na rin pala akong naliligo, kaya naisipan ko ng lumabas ng banyo.
Alexaa! Bumaba ka na dito at kakain na tayo! Kelangan ba talagang sumigaw ni Kuya Jay?
Opo bababa na po ako!! Edi sumigaw na rin ako.. hehehe. Pag katapos kong magbihis ng aking PJ’s bumaba na ako… yuummm… ang bango! Oooo!! Adobong Manok! My favorite! Lalo na pag luto ni Kuya John. Oo magaling si Kuya John magluto.
Tara na, kakain na tayo. At yun nga kumain na kami. Pag katapos naming kumain, syempre, sino ba ang taga hugas? Edi ako! Pag katapos kong maghugas ng pinggan. Pumasok na ako ng kwarto ko at nag muni muni.
Alexa? pag tingin ko sa pinto, si kuya John pala..
Yes Kuya? Sabay pisil sa pisngi nya. Ganyan kami ni Kuya John, minsan nga sobrang isip bata na ako!
Diba sabi mo may ikekwento ka sakin? Ay oo nga pala, ikekwento ko saknya yung tungkol sa nangyari sa school.
Oo nga pala noh? Kc kuya ganito yun…Ayun nga, kwinento ko kay Kuya John yung lahat, natawa nga sya yung dun sa part na inaway ko si Kristen.. hehe..
Bat mag kasama kayo ni Erik? Eh mag kaaway pala kayo? At ayun nga kwinento ko rin sa knya, na bestfriend pala ni arc yun.
Aaahhh.. yun lang ang nasabi ni kuya.
Oh sige na alexa, matulog ka na at may pasok pa tayo bukas..
Opo Kuya. Bait ko noh?
Bago umalis si Kuya ng kwarto, niyakap nya muna ako at kinisan sa noo. Sobrang sweet nyan ni kuya, kaya nga pag nag kakaroon yan ng girlfriend eh todo selos naman ako. Kasi palagi na lang silang magkasama. Wala ng time si kuya sakin. Pero dati pa yun. Siguro nung mga elementary, lagi akong ganun. Pero syempre highschool na ako, hindi na ako ganun. Pero take note, sobrang protective ako sa kuya ko, dapat dadaan muna sakin yung mga nililigawan nya. Nag karoon nga nung time na dinala ni kuya yung nililigawan nya sa bahay, eh hindi ko feel kasi kung kumilos sya, sobrang landi, ayun, nung sinabi ko kay kuya na ayaw ko dun, hindi na nya niligawan! Masunurin yung kuya ko.. hehehe.. sa kaka muni muni ko sa kwarto ko. Napansin ko na lang nakatulog na pala ako.
Chapter 12:
Alexa!! Alexa!!! ano ba toh? Bat lumilindol?!?
Tulungan mo ko!! Basang basa ako. Teka? Bakit ako nabasa?
Kuya Jay!!!!!!!! Bat mo ko binasa?? Kaya pala feeling ko eh kinain ako ng dagat.
Eh. Kanina ka pa namin ginigising, ayaw mong magising! Tulog mantika ka nanaman! Bilis na. 6:00 na po.
Ok ok. Babangon na ako. Pag kabangon ko ng kama ko, naligo na ako, nagbihis, at syempre tinali ko yung buhok, lagi namang nakatali tong buhok ko, ayaw ko kasing Makita nila na mahaba yung buhok ko.
Pag katapos ng pag aayos ko sa sarili ko, eh bumaba na ako para kumain.
Good morning dad! As usual, ginagawa nanaman ni daddy ang kanyang daily routine. Umiinom ng kape at nag babasa ng dyaryo.
Good morning anak. Kumain ka na dyan, at baka malate ka pa.
Ok dad. Asan po si Kuya John?
Ayun, tulog pa, hapon pa daw ang pasok nya eh.
Aaaahhh.. pag katapos kong kumain, nag tootbrush na ako, at umalis na ako ng bahay.
Habang nag lalakad, kumakanta-kanta ako, bakit ba? Eh wala namang tao eh!
*Beep Beep!!!*
Anak ng? Sino naman yan? Pag lingon ko, teka? Kilala ko tong kotseng to ah, Mercedez Benz na black. Pls naman Lord! Wag sya! Ang aga aga!
Good Morning Alexa!!! nakuuuu!!!