<3 <3 <3 LoViN mY mOnKeY tIlL tHe EnD oF tImE <3 <3 <3
Saturday, September 09, 2006


Chapter 94:

Nakalimutan na ata ako ni arc... =\ Imposible naman yun kasi BEST BUDS nga diba... baka naman pauwi na yun? Sana nga, I really can't wait to see him!

Umuwi naman kaagad sina daddy.. kasi may mga work pa sila bukas... so kami na lang uli ni erik yung natira sa hospital... sa saturday na daw ako makakalabas ng hospital.. which is 2 days from now...

Lex..

Oh?

Bat di mo tawagan si arc? Siguro busy yun kaya di sya makatawag sayo...

Siguro nga.. paabot nman nung phone.. inabot nman sakin ni erik yung phone, at dinial ko na yung number ni arc...

Ring...

Ring...

Ring...

Ring... Hello?

Hello? Pwede po ba kay Arc?

Sorry hija, wala sya dito eh, nasa trabaho...

Ganun po ba? Yung kuya nya ba toh?

Oo..

Kelan daw po ang uwi ni Arc?

Hindi pa daw nya alam eh.. sabi nya nga pala, mag iingat ka daw dyan....

Pakisabi na lang po, hi and mag ingat din sya...

sige hija.. bye!

Bye po! nung binaba ko yung phone, tumingin naman ako kay erik...

So?

Ayun, nasa trabaho daw...

Kelan daw uwi nya?

Hindi pa daw nya alam...

Okay lang yan lex, cheer up okay?

Yep! hay nakooo napaka boring nang buhay ko! Fast forward na nga natin! hehhe...

**************


Heto ako ngayon, nasa kwarto ko na uli, wala na akong nakikitang erik na nakapaligid... hehehe!

Okay na yung pakiramdam ko, pero sabi ng doctor, wag daw akong mag papagod for 2 weeks.. masama daw kasi...

Nakakainis nga eh.. may peklat tuloy ako sa dibdib, pero di naman kita.. hehe...

*knock knock*

Pasok!

Lex, may sulat ka oh....

Kanino naman galing yan?



















Kay Arc....

Chapter 95:

Kay Arc? Ang boka naman nung lalakeng yun! pwede naman kaming mag usap sa phone! sa bagay, masyado tong madrama... nakuuu, lalo na sa sulat, nailalabas nya lahat ng kadramahan nya sa buhay nya... hehehe... bago ko buksan yung letter tumingin ako kay kuya....

Oh bat andito ka pa?

Oh bat ang sungit mo? Ginaya naman nya yung tono ng boses ko.. sira ulo talaga yun! lumabas din naman sya... Binuksan ko na yung letter, ano naman kaya meron dito?

Dear Lex,

Hi po! Sana okay ka lang... Alam ko nag tataka ka kung bat ako nag sulat.. wala lang. Diba sinabi ko sayo, na gusto kong sinusulat yung nararamdaman ko? Bakit? Wala lang, para mailabas ko, kaya heto ako, ilalabas lahat ng nararamdaman ko.. ( Sabi sainyo eh! =P)

Anyways, Mag simula tayo sa.. hhhmm.. pano ko ba to masasabi? SATING DALAWA? heheh, all capitalized yan ah! ok ok, seryoso na. Lam mo ba? nung una kitang nakita, unang pumasok sa isip ko? gusto kitang makilala ng mabuti. bakit? wala lang, kasi parang ang bait mo, tapos parang masayahin kang tao.. kaya laking pasasalamat ko nung naging mag classmate tayo... Everytime na nakikita kitang masaya, iba yung nararamdaman ko, nagiging masaya din ako, pag nakikita kitang nakangiti.. ( ang drama tlaga netong lalakeng to!) Everytime na kasama kita, lagi akong masaya. Pag nasa bahay naman ako, ikaw lang ang bukang bibig ko kay manang. Bakit? Kasi From the first day I saw you, I know there is something about you that'll make me happy and complete. At totoo nga yung hinala ko. Alam ko hindi mo nanaman naiinitindihan tong mga sinasabi ko dahil nasa "slow moment" ka. joke lang! all i'm saying is. May gusto ako sayo nung una tayong nag kakilala. Nung lalo tayong naging close, Mas lalo akong nag kagusto sayo, let's say MAHAL na kita, Oo totoo yan, MAHAL nga kita... ( Ano daw?!?!?)

Na-alala mo ba yung sinabi ko sayo na wag kang pupunta sa tamabayan natin? dun sa park? (Oo.. heheh) Well, punta ka dun kung kelan mo man gusto.. may surprise ako sayo... heheh.. (Ano naman kaya yun?)

Alam ko, habang binabasa mo tong sulat na toh, magaling ka na... Alam mo ba kung bat ko alam? Kilala ko kasi yung donor mo... Sinabi nya sakin na wala naman daw saysay yung buhay nya, kasi parang hindi sya mahal nung mahal nya.. wawa naman sya noh? (Okay? Pano nya kilala yung donor ko?) sige dito na lang ako... Mag iingat ka palagi ah.. Don't worry, lagi kitang babantayan! mahal na mahal kita lexa....



Arc....

Ehhh?!?!? Sino yung donor?!?!?! Tiningnan ko uli yung sobre kung may sulat pa sya.... ayun! meron nga... binuksan ko yung letter.... Tama ba tong nabasa ko?!?! Hindi pwede... bigla na lang akong naiyak....


Lex....



















Ako yung donor mo..... =(=( This can't be happening!!!

<3 8:46 PM;
|

AbOut Me ^_________^

NaMe: Jeri Mae Formeloza "Jem" for short

BiRtHdAy: January 26, 1990

ScHo0l: Jean Vanier Catholic Secondary School

LiKeS: Using the computer for the whole day! o.0, eating food, Singing, etc.

DiSlIkEs: B******, >.< FAKE people!




Tagboard




links

"Tree House" Brief Intro
"Tree House" (1 - 3)
"Tree House" (4 - 6)
"Tree House" (7 - 9)
"Tree House" (10 - 12)
"Tree House" (13 - 15)
"Tree House" (16 - 18)
"Tree House" (19 - 21)
"Tree House" (22 - 24)
"Tree House" (25 - 27)
"Tree House" (28 - 30)
"Tree House" (31 - 33)
"Tree House" (34 - 36)
"Tree House" (37 - 39)
"Tree House" (40 - 42)
"Tree House" (43 - 45)
"Tree House" (46 - 48)
"Tree House" (49 - 51)
"Tree House" (52 - 54)
"Tree House" (55 - 57)
"Tree House" (58 - 60)
"Tree House" (61 - 63)
"Tree House" (64 - 66)
"Tree House" (67 - 69)
"Tree House" (70 - 72)
"Tree House" (73 - 75)
"Tree House" (76 - 78)
"Tree House" (79 - 81)
"Tree House" (82 - 84)
"Tree House" (85 - 87)
"Tree House" (88 - 90)
"Tree House" (91 - 93)
"Tree House" (94 - 95)
"Tree House" ( Epilogue )
"Tree House" ( Ending )


Links

Friendster
Nekinerks
Pauline
Ica
Chris